Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun shot

Striker ng PNP Finance sa Camp Crame binoga

BINARIL ang isang civi­lian striker ng Philippine National Police (PNP) ng hindi kilalang suspek sa loob ng bar sa Taguig City, nitong Sabado ng madaling araw.

Nakaratay sa Medical City Taguig ang biktima na kinilalang si Mario Cabungcal, 39, binata, civilian striker ng PNP Finance sa Camp Crame, Quezon city sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng gunman.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang pamamaril sa loob ng JAJ Grill and Resto Bar na matatag­puan sa Katipunan Street, Barangay Bambang, Taguig City, dakong 3:00 am.

Sa hindi batid na dahilan, bigla umanong nilapitan si Cabungcal ng armadong suspek saka binaril at mabilis na tumakas sa hindi batid na direksiyon.

Kaagad dinala ang biktima sa naturang pagamutan na patuloy na nilalapatan ng lunas.

Sinusuri ng Taguig City Police ang kuha ng CCTV sa loob ng resto bar upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …