Sunday , December 22 2024
BARMM
BARMM Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao

Separation pay ng 6000 empleyado ng ARMM dapat bayaran — Hataman

NANAWAGAN sa Department of Budget and Management si House Deputy Speaker Mujiv Hataman na bayaran ang separation pay at iba pang benepisyo ng 6000 empleyado na mawawalan ng trabaho sa pagpasok ng bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ayon kay Hataman, ang dating gobernador ng mawawalang Autononous Region in Muslim Mindanao (ARMM), dapat masiguro ng papasok na BARMM na mabayaran ang mga empleyado bago maglabas ng pahayag na uumpisahan nila ang proseso sa pagtatangal sa kanila.

“Nananawagan ako sa gobyerno ng BARMM at sa Department of Budget and Management (DBM) na siguruhin ang kapakanan ng mga empleyado ng ARMM na magtatapos ang serbisyo itong taon. Sana maayos ang kanilang mga benepisyo, pati ang kanilang matatanggap sa ilang taon nilang paninilbihan sa ARMM,” ani Hataman na nagsilbing gobernador ng rehiyon ng higit pitong taon.

“While we all aim at having a smooth transition from the previous regional govern­ment to the new Bangsamoro auto­nomous govern­ment, we should make sure that the welfare of these employees be also given utmost attention. And this includes paying their separation pay and other benefits at the earliest possible time,” dagdag niya.

Nagpahayag ang BARMM na mag-uumpisa na silang magtangal ng mga empleyado ng ARMM sa mga lugar na nasasakupan nito – Lanao del Sur, Maguindanao, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi and Cotabato City.

“Ang mahirap kasi nito, may announcement na pero ayon sa DBM, wala pa ang mga dokumento sa kanila para masimulan ang proseso. Ayon din sa DBM, hindi nila kayang ayusin ng minsanan at sabay-sabay ang pagproseso ng kanilang dokumento. Kaya nag-iisip din kaming Bangsamoro legislators na magpasa ng isang resolusyon upang mapatawag ang DBM at representante ng Bangsamoro government para pag-usapan ang bagay na ito,” anang dating gobernador na ngayon ay Congressman ng Basilan.

“These are hardworking men and women who are public servants. So my appeal is that the DBM expedite their retirements, separation pays and other benefits,” ani Hataman.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *