Saturday , November 16 2024

OWWA’s Rebate Portal para sa OFWs binuksan na

BINUKSAN kahapon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kanilang Rebate Portal  bilang bahagi ng inilunsad na OWWA Rebate Program.

Ang OWWA Rebate Program ay pagtugon sa probisyon ng OWWA Act na layuning mag­patupad ng pagbibigay ng rebate sa matatagal nang mga miyembro ng OWWA.

Samantala ang OWWA Rebate Portal ay aayuda sa distribusyon ng OWWA Rebate Program, isang database program para sa kalipikadong miyembrong overseas Filipino worker (OFW).

Ang online system ng OWWA ay para sa mablils beripikasyon ng kasaping OFW kung kalipikado sa rebate program.

Magsisilbi rin itong appointment system na maaaring magtakda ng appointment ang mga kalipikadong benepisaryo sa pinaka­malapit na tanggapan ng OWWA.

Kabilang sa mga kalipikado sa rebate program ang mga OFW na miyembro ng OWWA nang 10 taon na may lima o higit pang kontribusyon simula 31 Disyembre 2017 at ng OFW member o kanyang pamilya na hindi pa nakakukuha ng benepisyo mula sa OWWA.

Kailangan ipakita ng kalipikadong benepisaryo ang kanilang appointment code na ipinadala sa kanila via SMS matapos maitakda ang appointment sa napiling OWWA Regional Welfare Offices kasama ang iba ppang dokumento na kailangan para sa beripikasyon.

Pagkatapos ng proseso ng beripikasyon, magbibigay ang mga benepisaryo ng detalye sa kanilang banko na maaaring ideposito ng OWWA ang pera para sa kaukulang rebate.

Ang halaga ng rebate ay puwede rin i-donate ng mga benepisaryo sa Tuloy-Aral Project (TAP) ng OWWA upang tulungan ang mga anak ng OFW na makapag-aral at maaari rin gamitin sa renewal ng membership para sa may aktibong employment contract sa ibang bansa.

Ayon sa OWWA, ang kalipikadong OFWs ay makakukuha ng P941.25 hanggang P13,177.50 base sa bilang ng kanilang kontri­busyon.

Ang pagsuma sa Rebate Program ay ibinatay sa actuarial study na kinomisyon ng OWWA na tumukoy sa kapabilidad ng pondo para ipatupad ang rebate program nang walang negatibong epekto sa mga regular na programa at serbisyo ng ahensiya.

Batay sa actuarial study, nasa P1 bilyon ang inilaan sa rebate program na ipamamahagi sa 556,000 benepisaryo per OWWA database.

Maa-access ng OFW members ang OWWA Rebate Portal via OWWA website owwa.gov.ph o bumisita sa malapit na OWWA Regional Welfare Office o tumawag sa OWWA Hotline 1348. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *