BEIJING – Isang urgent matter ang energy security ng Filipinas para kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang binigyang diin ni Philippine Amba-ssador to China, Jose Santiago Sta. Romana sa gitna ng napipintong pagtalakay nina Duterte at Chinese President Xi Jinping tungkol sa ma-giging hatian sa joint gas exploration sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Sta. Roma-na, running dry na ang Malampaya na tiyak ma-kaaapekto sa power sup-ply ng Filipinas.
Kaya ang Pangulo, ayon kay Sta. Romana ay sadyang nagmamadaling maiusad ang proseso pa-ra makuha ang koope-rasyon ng China tungkol sa gas exploration.
Sa ngayon, ayon kay Sta. Romana ay napakaraming dapat gawin kung pag-uusapan ang pagmi-mina ng langis sa teri-toryong sakop ng Filipinas at isa ito sa agenda ng bilateral meeting nina Xi at ng Pangulo partikular kung ano ang ma-giging framework ng Filipinas at ng China para sa Joint exploration sa West Philippine sea.
Aminado si Sta. Ro-mana na malalim ang usaping legal sa China at Filipinas na dapat hima-yin sa negosasyon. (RN)