Wednesday , December 25 2024
prison

2,000 preso pinalaya sa GCTA mula 2013

UMABOT sa halos 2,000 inmates ang napalaya na simula noong 2013 hanggang 2019 ng Bureau of Corrections (BuCor) na may iba’t ibang kaso na kinahaharap sa loob ng New Blibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Kahapon sa pulong balitaan na ginanap sa loob ng NBP, sinabi ni Atty. Frederick Antonio Santos, chief legal office ng BuCor, figures lamang ang kanilang maibibigay sa mga nakalayang preso at aniya hindi nila puwedeng pangalanan.

Hindi sinabi kung may high profile inmates na nakasamang lumaya matapos pagsilbihan ang kanilang sentensiya sa loob ng Bilibid.

Sinabi ni Santos, umabot sa 1,914 ang kanilang napalaya simula taon 2013 hanggang sa kasalukuyang taon na may kasong parricide, na umabot sa 29.

Napalaya ang 797 sa kasong murder, lima sa kidnapping with illegal detention, 274 sa robbery w/ violence or intimi­dation, tatlo sa des­tructive arson, 758 sa rape at 48 sa dangerous drug act.

Tumanggi si Santos na banggitin kung kasama sa napalaya ang apat na Chinese drug lords at ang tatlong inmates na res­ponsable sa panghahalay at pagpatay sa magka­patid na Chiong sa lalawigan ng Cebu noong 1997.

Kamakailan una nang pinabulaanan ni Bucor chief Nicanor Faeldon na may pinirmahan siyang release order para sa paglaya nina Rowen Adlawan, Ariel Balansag at Alberto Caño na res­ponsable sa panghahalay at pagpatay kina Marijoy at Jacqueline Chiong.

Matatandaang dinu­kot at hinalay bago pinas­lang ang magkapatid sa Cebu at natagpuan ang bangkay ni Marijoy sa bangin.

Ang napabalitang pag­papalaya sa mga suspek ay ipinangamba ng pamilya ng mga biktima ng mga akusa­dong pinatawan ng ha­bam­buhay na pagka­bilanggo sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Santos, hindi qualified si dating Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez na makalaya dahil hindi sapat ang Good Conduct and Time Allowance (GCTA).

Nitong 20 Agosto, napabalitang si Sanchez ay isa  sa 11,000 inmates na makalalaya sa loob ng dalawang buwan mata­pos ma-compute ang GCTA.

Aniya sa ngayon ay tigil muna ang recom­putation ng GCTA hang­gang 5 Setyembre habang pinag-aaralan ang binu­ong technical working group.

“Ibig sabihin hold muna ang computation ng GCTA ng 10,200 preso,” ayon kay Santos.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *