AARYA na patungong Foshan, China ang Gilas Pilipinas ngayon para sa misyong magpasiklab kontra sa world’s best basketball teams sa nalalapit na 2019 FIBA World Cup.
Alas-8:00 ng umaga ang biyahe ng Nationals patungong China para sa world championships na nakatakda mula 31 Agosto hanggang 15 Setyembre.
Nanguna sa Philippine delegation si head coach Yeng Guiao, assistant coaches Caloy Garcia, Ford Arao at Sandy Arespacochaga gayondin sina team manager Gabby Cui at Special Assistant to the SBP President Ryan Gregorio.
Pinamunuan ni naturalized player Andray Blatche ang 12-man line up ng Gilas kasama sina June Mar Fajardo, Gabe Norwood, Japeth Aguilar, RR Pogoy, at Troy Rosario gayondin sina Kiefer Ravena, Robert Bolick, CJ Perez, Mark Barroca, Paul Lee, at Raymond Almazan.
Kasama rin sa biyahe ang final cuts na sina Marcio Lassiter at Beau Belga habang maiiwan sa bansa ang iba pang cuts na sina Matthew Wright at JP Erram upang magpagaling ng kanilang injuries.
Mabigat ang misyon ng Gilas sa World Cup lalo’t nasa Group D sila kasama ang European powerhouses na Serbia at Italy gayondin ang pambato ng Africa na Angola.
Unang sasalang ang Gilas kontra sa Italy sa 31 Agosto bago sumalang sa Serbia sa 2 Setyembre at sa Serbia sa 4 Setyembre.
Kailangan ng Nationals ng at least dalawang panalo sa group stage upang makaabante sa Round of 16 ng 32-team tourney dahil tig-dalawang koponan lang ang papasok kada grupo.
Matatandaan noong nakaraang edisyon sa Spain noong 2014 ay bigo ang Gilas na makalusot sa next round matapos ang 1-4 baraha.
Kinapos ang Gilas noon kontra sa mga bigating teams na Croatia, Greece, Puerto Rico at Argentina.
ni John Bryan Ulanday