Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Drug-free workplace sa Makati sinimulan na

INILUNSAD kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang adbo­kasiya ng Drug-Free Work­place sa siyudad  ng Makati.

Layunin ng advocacy program na maitaguyod ang drug-free workplace sa loob ng high-end sub­divisions, hotels, condo­miniums at warehouses sa lungsod.

Kaugnay nito, hinikayat ng PDEA ang mga may-ari ng mga establisimiyento kabilang ang security officers na magpatupad ng kanilang sariling drug free work place program, turuan ang kanilang mga emple­yado sa masamang epekto ng dangerous drug at ang pagsasagawa ng random drug test sa lahat ng opisyal at empleyado.

Ang anti-drug advo­cacy program ay hindi lamang para itaguyod ang drug free work place, kundi ilagay sa isipan ang kama­layan sa modus operandi na ginagamit ng mga drug syndicate tulad ng paggamit ng high-end subdivision, hotels, at condominium bilang drug dens, gayondin ang laboratories at ware­houses upang itago ang kanilang illegal activities.

Ayon kay Gregorio Pimentel, Deputy Director General for Operation ng PDEA, layon din ng progra­ma na turuan ang mga may- ari ng mga establisimiyento (hotels, bars, restaurants, condominium, subdivisions at warehouses) na tukuyin ang potential drug labo­ratories, drug dens, at drug warehouses dahil ginagamit ito ng drug syndicates sa paggawa at pag- iimbak ng illegal drugs dahil mahirap itong ma-detect gaya ng ipinapakita sa mga anti-drug operations ng PDEA kamakailan.

Ayon kay P/Lt. Agnes Bueno, ng Station Community Affairs and Development Section ng Makati City Police, 12 mula sa 32 barangay sa lungsod ng Makati ang itinuturing na drug free. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …