SERYOSO ang administrasyong Duterte na masawata ang smuggling lalo ang pagpupuslit ng illegal drugs sa Filipinas mula sa China.
Sa isang chance interview kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa NAIA Terminal 1 bago tumulak sa Beijing kahapon, sinabi niyang pipirmahan nila ng kanyang counterpart sa China ang isang memorandum of agreement na magtatakda ng pre-shipment inspection sa lahat ng kargamento na magmumula sa China patungong Filipinas.
Layunin aniya ng MOA na matiyak na tamang halaga ng buwis ang makokolekta ng Filipinas sa imported goods mula sa China at mabusisi nang husto ang mga kargamento upang walang makalusot na illegal drugs.
Magdo-donate din aniya ang China ng mga equipment na magagamit sa inspeksiyon sa mga kargamento na may kakayahang makita at masuri ang mga kemikal kahit nakalagay sa makapal na bakal gaya ng magnetic lifter.
Matatandaan na nakapuslit sa Bureau of Customs ang halagang P11 bilyong shabu sa anim na magnetic lifter noong nakalipas na taon.
(ROSE NOVENARIO)