Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
aiai delas alas

Ai Ai, nakatatlong pelikulang floppey

MAY pamahiin ang mga matatanda na ”tatluhan kung dumating ang mga bagay o pangyayari.”And this is either good or bad.

Kung ire-relate ito sa showbiz, swak na swak ang paniwalang ito sa kaso ni Ai Ai de las Alas, hindi dahil tatlo ang anak niya o tatlong dekada na siya sa industriya.

Tatlong magkaka­sunod kasi sa loob ng second at third quarters ng kasalukuyang taon ang mga nag-flop niyang pelikula.

Isa-isahin natin. Ang Mother’s Day offering na Sons of Nanay Sabel, na kasama niya ang noo’y mga inaalagaang miyembro na all-male rap group na Ex-Batallion ay isang certified flop sa takilya.

Nitong July naman, ang Feelennial na kasama niya si Bayani Agbayani ay isa ring bangungot sa mga sinehang pinagpalabasan nito, kesyo ang ganda-ganda ng kanilang screen tandem. Idagdag pa ang mga papuri mula mismo sa isa sa mga prodyuser nito, si Pops Fernandez.

Ang ikatlo ay ang And I Thank You with Dennis Padilla na isang artista ang papel na ginampanan ng binansagang Comedy Concert Queen.

Ayon kay Ai Ai, ‘yun na ang huling film project na tatanggapin niya para bigyang-daan ang matagal na niyang planong pagbubuntis by her husband Gerald Sibayan.

Naku, noon pang December 2017 (petsa ng kanilang kasal) namin naririnig ang “press release” na ‘yan ni Ai Ai, even their supposed honeymoon sa Japan na hindi naman natuloy-tuloy.

May mahalagang mensaheng nakapaloob kung bakit nakatatlong floppey na si Ai Ai sa maikling panahon of the same year.

Patumpik-tumpik kasi siya sa kanyang mga plano, gayong ano ba naman ‘yung huwag na muna siyang tumanggap ng pelikula if at all ay gusto nga niyang mabuntis?

Aanhin ni Ai Ai ang pagkarami-raming pera mula sa paggawa ng mga pelikula, eh, bulsa lang niya ang nagkalaman at hindi ang produ?

Sey ni Ai Ai, by hook or by crook ay kailangan niyang magbuntis. ‘Yun naman pala, eh, ‘di itigil muna niya ang paglabas-labas sa pelikula at tuklasin sa anumang paraan kung paano nga siya magiging expectant mother to her fourth child if ever.

And mind you, hindi magandang record ang three-in-a-row na ‘yan, ha? Bagama’t kahit naman pinakasikat na artista’y mayroon ding floppey na pelikula, record-breaking yata ‘yung tatlong sunod na wala man lang mahabang pagitan or alternate man lang (kikita-flop-kikita-flop).

Baka mag-”tatlong isip” din ang produ. Naku, magamit lang daw ang number three, o!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …