Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
bagman money

Tamad na managers parusahan — Garin

HINIMOK ni Iloilo Rep. Janette Garin ang admi­nistrasyong Duterte na parusahan ang managers ng mga ahensiya ng go­byerno at huwag ang taong-bayan sa pamama­gitan ng pagbawas sa pondo ng mga “non-performing” na ahensiya.

Ayon kay Garin, ang pagbawas sa pondo ng mga ahensiyang hindi nagpe-perform partikular ang may kinalaman sa public health ay magka­karoon ng masamang epekto sa mahihirap.

“Budget cuts for poor-performing agencies and public programs, especially those involving the public health, only deprive the people of much-needed services and leave them to suffer when it is the particular government office itself that is to blame,” ani Garin.

“It may appear that we are penalizing a particular government agency when we make these slashes in budgets for poor performance or underutilization of funds, but in fact we are punishing the people who will ultimately feel the brunt of an unfunded government service,” dagdag ni Garin, ang dating Health Secretary.

Kinuwestiyon ni Garin ang pakay ng Universal Health Care kung ang paglalabas ng pondo ay nakabatay sa nakaraang paggamit nito.

Inihalimbawa ni Garin ang PhilHealth na mataas ang budget dahil sa mataas na paggastos na sa bandang huli ay nadis­kubre ang mga katiwalian dito.

“Ang taas ng utili­zation at ang bilis ng release ng pera, but we are now discovering it may be because of fraudulent claims,” aniya.

“Hahayaan ba natin ang Philhealth na tumak­bo nang ganito habang binabawasan ang mga importanteng programa sa pangkalusugan, ta­nong ni Garin.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …