NAGING produktibo ang pulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front (MNLF) Nur Misuari hinggil sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Mindanao.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, napagkasunduan na magtatayo ng isang GRP-MNLF Coordinating Committee upang magsilbing daan para makamit ang kagyat na kapayapaan sa Sulu.
Layon nito ang pagtutulungan sa pagsugpo sa Abu Sayyaf Group at kombinsihin ang mga kaanak ng MNLF na magbalik loob sa pamahalaan.
Aniya, inatasan ng Pangulo ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity na mag-convene sa ikalawang linggo ng Setyembre.
Ito ay para magkaroon ng mga diskusyon at konsultasyon hinggil sa peace agreements ng MNLF.
Makasisiguro rin aniya ang komite ng “full-support” mula sa Palasyo para maresolba ang ilang dekadang conflict na nagdulot ng paghihirap, girian sa pagitan ng Kristiyano at mga Muslim, at kamatayan sa mga naaapektohan ng bakbakan.
(ROSE NOVENARIO)