Wednesday , May 14 2025
BAKAS ni Kokoy Alano
BAKAS ni Kokoy Alano

Nagpiyesta ang towing services at connivance businesses?

KUNG dati ay MMDA lang ang pinagbibintangan na kakutsaba ng mga bugok na towing services, ngayon ay lumala pa lalo ang sitwasyon dahil mga lokal na traffic enforcers group na ang ka­sa­ma ng mga linta sa lansangan. Mantakin mo’ng daan-daan ang mga nahahatak ng mga hina­yupak na towing services na mismong sila ay walang sariling garahe na ang pinaka-mababang singil ay P2,000? Dapat sigurong magkaroon na ng sariling towing trucks ang bawat siyudad sa Metro Manila at sariling impounding compound para mawala ang angas ng mga bugok na ‘yan.

 

Dagdag menudensiya sa barangay officials ang ordinansa

Kung sa akala natin ay ikinababahala ng barangay officials ang Isko fever ordinance para ibalik sa mamamayan ang bangketa, nagkakamali po tayo dahil habang may batas na naghihigpit sa illegal sidewalk vendors, sumisidhi at lumili­naw ang mga mata ng mga bugok na barangay tanod at ng kanilang among barangay officials sa pagkakakitaan. Hindi sila takot sa kanilang Mayor dahil dagdag makinarya ito kapag may eleksiyon.  Aber, tingnan natin kung hindi ningas cogon lang ang ginagawa nila na may kalakip na photo-ops pa sa social media na parang mga hibang!

 

Promotor ng bawal ang city at municipal Officials

Pangitang-pangita naman na kahit ang COMELEC rulings ay pinaglalaruan lang ng barangay officials sa tuwing may eleksiyon. Mga tarpaulin at mukha ng mga incumbent candidates ang unang mabubungaran natin na nakakabit sa mga ipinagbabawal na lugar tulad ng  poste ng koryente at mga puno sa tabi ng daan at ang malala ay naghambalang ang mga tent na may mukha pa ni Mayor sa mga illegal terminal ng TODA maging sa mga dingding ng illegal settlers sa bangketa na tila  utos pa ng mga kapitan. Ipinagbabawal din ng DILG ang pangangampanya ng barangay officials pero sila pa ang kasama ng mga politiko sa house to house campaigning. May ginawa ba ang mga tagapagpatupad ng batas mula sa city hall at DILG?

Ang sagot… malaking wala! Nganga lang si Juan. O ‘di ba?

 

Kabo lang ng city at municipal officials ang barangay officials

Hindi nakapagtatakang maraming bawal na gawain na pinagkakakitaan sa bawat barangay ang kinokonsinti ng mga mayor dahil ito ang menudensiya nila na dagdag kita na ipinalalamon nila sa kanilang pamilya. Kaysa nga naman manghingi pa sa kanila! Aasa ka pa? Hintayin natin ang 60 araw na palugit at baka makatsam­ba tayo. He he!

BAKAS
ni Kokoy Alano

About Kokoy Alano

Check Also

Firing Line Robert Roque

Kultura ng vote-buying

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NGAYONG tapos na ang eleksiyon, pag-usapan naman natin ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *