Monday , December 23 2024

Kaysa mabokya sa WPS… 60-40 sa mineral at yamang dagat pabor sa RP — Digong

ANG pagbabahagi sa China ng mga mineral at yamang dagat sa exclusive economic zone ng Filipinas sa West Philippine Sea (WPS) ang nakikitang mapayapang paraan sa isyung teritoryal ng dalawang bansa.

Sa kanyang talumpati sa Romblon kagabi, sinabi ng Pangulo, ang panuka­lang hatian na 60-40 pabor sa Filipinas ay isang “good start” para sa paggigiit ng arbitral ruling sa China.

Giit ng Pangulo, wala naman kakayahan ang Filipinas na makipag­digmaan sa China upang ipilit ang arbitral ruling na pabor sa ating bansa.

Mas mabuti aniya na may mapala ang bansa sa arbitral ruling at hindi siya papayag na ma-ty (thank you).

Matatandaan, base sa desisyon ng international court of arbitration, pag-aari ng Filipinas ang lahat ng mineral at yamang dagat na nasa 200 nautical mile sa West Philippine Sea ngunit hindi kinilala ng China ang desisyon at patuloy ang pag-angkin sa mga teritoryo dahil bahagi raw ito ng nine-dash line ng kanilang bansa.

Magsasagawa ng working visit si Pangu­long Duterte sa China upang igiit ang arbitral ruling sa 28-31 Agosto 2019.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *