Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun

SAF official na napatay ng tauhan ipinabusisi

MASUSING sinisiyasat ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagkamatay ng isang opisyal ng Philippine National Police- Special Action Force (PNP-SAF) ng kanyang tauhan sa loob ng opisina ng SAF sa Camp Bagong Diwa, Bicutan sa lungsod ng Taguig kamakalawa.

Iniutos ni NCRPO director, P/MGen. Guil­lermo Eleazar na imbes­tigahan ang naganap na pagpatay kay P/Maj. Emerson Palomares,30 anyos, aktibong PNP SAF at commanding officer ng 125 SAC, FSB, SAF sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, residente sa Washington St., District 3, Gamu, Isabela, may tama ng bala ng baril sa kata­wan.

Naitakbo ang biktima sa Parañaque Doctors Hospital ngunit binawian ng buhay nang idating sa pagamutan.

Arestado ang suspek na kinilalang si P/MSgt. Sanwright Lobhoy, 41 anyos, may kinakasama, aktibong miyembro rin ng PNP-SAF (125 SAC-FSB), tubong Tabuk, Kalinga, at nakatira sa Purok 4, Bula­nao, Tabuk, Kalinga.

Iniutos ni Eleazar kina P/SSgt. Dalogdog, P/SSgt. Lagensay, Cpl. Jimenez, at Cpl. Caba­longa, na Imbestigahan mabuti ang nangyaring insidente ng pamamaril sa loob ng opisina ng commanding officer ng 125 SAC-FSB, SAF sa loob ng nasabing kampo, dakong 4:40 pm.

Base sa inisyal na imbestigasyon, sinasa­bing nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang bik­tima at suspek hanggang sa mauwi sa pamamaril.

Agad hinuli nina P/SSgt. Yu at P/SSgt. Loza­no, kapwa miyembro ng SAF ang kanilang kabaro na si Lobhoy habang dali-daling isinugod si Palo­mares sa Sabili Hospital pero inilipat kalaunan sa naunang nabanggit na ospital pero hindi na naisalba ang buhay ng biktima habang nilala­patan ng lunas dakong 5:23 pm.

Patuloy ang pagsisi­yasat ang mga imbes­tigador sa naturang kaso upang mabatid ang sanhi ng pagtatalo ng biktima at suspek na nauwi sa pagpatay.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …