Thursday , July 24 2025

Number coding scheme suspendido

SUSPENDIDO ngayong araw, Miyerkoles, ang pag­pa­patupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o Number Coding Scheme sa mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila.

Inihayag ito ng Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) kahapon.

Sa Traffic Advisory ng MMDA at bilang paggunita sa ika-36 kamatayan ni dating Senador Benigno Aquino Sr. suspendido ang pagpa­patupad ng number coding ngayon araw .

Sa suspensiyon ng number coding scheme, malayang makabibiyahe ang mga sasakyan kahit anong numero ang nasa hulihan ng kanilang plaka sa lahat ng pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Nag-abiso rin ang pa­ma­­halaang lokal ng Makati na walang number coding sa kanilang lungsod ngayon araw, 21 Agosto.

Inihayag ng Public Information Office (PIO)  ng Las Piñas,City, tuwing holiday ay hindi rin ipina­tutupad ang number coding sa lungsod.

Pinayohan ng MMDA ang mga motorista, na hang­ga’t maari ay planuhin ang kanilang mga lakad at kung walang mahalagang pupuntahan huwag nang makisali o maki­siksik pa sa trapiko. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan PDRRMO NDRRMC

13 bayan, lungsod sa Bulacan lubog sa tubig baha, Tulay sa San Miguel-DRT bumigay

MARAMING lugar sa Bulacan ang nananatiling lubog sa tubig-baha hanggang nitong Martes, 22 Hulyo, habang …

Couple Arrest Hand Cuffed Posas

Mag-dyowang tulak tiklo sa ‘obats’

ARESTADO ang dalawang indibidwal na pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buybust operation …

BingoPlus Why Filipinos keep smiling, even when it hurts

Why Filipinos keep smiling, even when it hurts

LIFE is expensive, but joy doesn’t have to be. In this time of soaring prices, …

072225 Hataw Frontpage

Misis ni Speaker Martin Romualdez
4th TERM NI YEDDA SA KAMARA ISANG MOCKERY NG ELECTORAL PROCESS – ATTY. MACALINTAL

HATAW News Team MAGKAKAROON ng “mockery” sa electoral process ng bansa kung hindi kukuwestiyonin sa …

Department of Agriculture - Bureau of Agricultural Research (DA-BAR) Visits BauerTek Pharmaceutical Technologies

Department of Agriculture – Bureau of Agricultural Research (DA-BAR) Visits BauerTek Pharmaceutical Technologies

Director Joell Lales, current head of the DA-BAR, led the agency’s visit to the world-class …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *