NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magugustuhan ang magiging trato ng gobyerno ng Filipinas kapag hindi kumuha ng permiso ang foreign vessels kung maglalayag sa Philippine waters.
“To avoid misunderstanding in the future, the President is putting on notice that beginning today, all foreign vessels passing our territorial waters must notify and get clearance from the proper government authority well in advance of the actual passage,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo sa isang kalatas kahapon.
“Either we get a compliance in a friendly manner or we enforce it in an unfriendly manner,” dagdag niya.
Hindi aniya mangingimi ang gobyerno na gumamit ng puwersang militar kapag hiningi ng sitwasyon.
Nauna rito nagpahayag nang pagkairita ang Malacañang sa paulit-ulit na paglalayag ng Chinese warships sa Sibutu Strait sa Tawi-tawi nang walang pahintulot.
(ROSE NOVENARIO)