SA LAKI ng inilaan ng kongreso sa bawat distrito ng mga kongresista, mukhang mawawala na ang mga lubak sa kalsada ng San Jose del Monte City at sa iba pang bayan sa bansa.
Ayon kay Cayetano, isinumite na ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang tig-P400 – P500 milyong halaga ng proyekto sa bawat distrito sa bansa para sa impraestruktura.
“Kausap namin Secretary Mark Villar, sabi niya, he will try na walang distrito all around the country na less than P400-P500 million ‘yun infrastructure,” ani Cayetano matapos isumite ng Department of Budget and Management (DBM) ang 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 trillion kahapon.
“Ang sinasabi ko, wala nang pork barrel, ang deparamento na ang naglalagay, ang nagsa-submit sa departamento, district engineer, saka regional director,” ani Cayetano.
Ayon kay Cayetano, hindi na mangyayari sa 2020 national budget ang nangyari noong nakaraang Kongreso tungkol sa pag-park ng pondo ng isang kongresista sa distrito ng iba.
“Dito sa budget na ‘to, we will not allow any parking. Parking of funds, the way I understand it is a form of corruption,” ani Cayetano. (GERRY BALDO)