Monday , April 28 2025

Balik-imports sa PBA Govs Cup

BABANDERA Si two-time Best Import Allen Durham sa mga balik-imports sa paparating na 2019 PBA Governors’ Cup sa susunod na buwan.

Pinangalanan ang batikang reinforcement kamakalawa ng Meralco Bolts bilang kanilang import sa ikaapat na sunod na taon.

Sa unang dalawang tour of duties ni Durham noong 2016 at 2017 ay siya ang naging Best Import at nadala sa back-to-back Finals ang Bolts.

Ngunit noong nakaraang taon, sa kabila ng kanyang rehis­tro na 27.5 puntos, 20.5 re­bounds at 7.0 assists ay nagka­sya sa semi-final finish ang Meralco matapos yumu­kod sa Alaska.

Ngayon, parehong bangis ang inaasahan ni head coach Norman Black kay Durham para sa misyong makabalik ulit sila sa Finals at pag-asang makabulsa sa wakas ng kanilang unang PBA championship.

Kagagaling ni Durham sa magilas na Japan B. League stint nang siya ay nagtala ng 22.3 puntos, 13.2 rebounds at 4.5 assists na average para sa koponang Shiga Lakestars.

Pamilyar na mga mukha ang makasasa­gupa ni Durham dahil ilang balik-imports din ang babandera sa season-ending conference.

Isa na nga rito ang kanyang karibal na si Justin Brownlee na magsi­silbi naman bilang Ginebra reinforcement sa ikaanim na conference. Si Brownlee rin ang naging import ng Gin Kings sa katatapos lang na Commis­sioner’s Cup.

Balik PBA rin si Eugene Phelps ng Phoenix, Olo Ashaolu ng NLEX gayondin si Romeo Travis ng Magnolia.

Matatandaang si Phelps ang bumandera sa championship run ng Mighty Sports Philippines noong nakaraang buwan lang sa 2019 Jones Cup sa Taiwan.

Si Travis sa kabilang banda, bagamat natalo kay Mike Harris ng Alaska sa Best Import race noong nakaraang Governors’ Cup ay nadala sa kampeonato ang defending champion na Magnolia Hotshots.

(JOHN BRYAN ULANDAY)

About John Bryan Ulanday

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *