Monday , December 23 2024
https://www.hatawtabloid.com/wp-content/uploads/2019/08/SM-3-day-sale-Aug-16-18.jpg

Dahil sa korupsiyon… Pondo ng PhilHealth delikadong masaid

NANGANGANGANIB mawalan ng pondo ang Philhealth sa susunod na taon bunsod ng mga anomalyang nagaganap dito.

Ayon kay Anaka­lusugan Party List Rep. Mike Defensor, hahara­ngin niya ang pondo ng Philippine Health In­surance Corp. (PhilHealth) para sa 2020 hanga’t hindi maipaliwa­nag ang mga umaali­ngawngaw na korupsiyon dito.

Ayon kay Defensor, kuwestiyonable ang pagharang ng PhilHealth sa Commission on Audit (COA) na nagbalak suriin ang 2018 benefit claims expenses nito.

Gusto sanang mala­man ng COA ang All Case Rates (ACRs) tran­sactions o ang data base na naglalaman ng lahat ng medical claims sa Philhealth noong naka­ra­ang taon na may inilaang budget na P62.693 bilyon.

Ngunit sa COA re­port na hawak ni Defen­sor, nakasaad na maka­ilang ulit nagpaabot ng verbal at written request ang state auditor na ma-access ang buong ACRs pero hindi ito binuksan ng PhilHealth.

Dahil dito, hinihimok ni Defensor ang House Committee on Health na harangin ang pondo ng PhilHealth hangga’t hindi naipapaliwanag ng tang­gapan kung paano ginas­tos ang pondo nila.

ni GERRY BALDO

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *