Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SMB, TNT sabong sa game 5 (Isang panalo sa kampeonato)

MAG-UUNAHAN sa krusyal na panalo ngayong Game 5 ang San Miguel at Talk ‘N Text upang maka­lapit ng isang panalo sa kampeonato ng 2019 PBA Commissioner’s Cup best-of-7 Finals series.

Magaganap ang laban sa 7:00 pm kung kailan babasagin ng Beermen ang KaTropa ang pagkakatabla nila ngayon sa 2-2 kartada.

Best-of-three series na lang ang labanan ngayon kaya’t sinoman ang magwawagi ay makakalapit nang isang hakbang mula sa tuktok ng mid-season conference.

Naiiwan pa sa 1-2 deficit noong nakaraang linggo, nakaiwas sa malaking 1-3 hole at nakapuwersa ng 2-2 tabla matapos ang dikit na 106-101 panalo sa Game 4.

Upang makaiskor nang dalawang sunod na panalo para sa 3-2 kala­mangan ay sasandal muli si head coach Leo Austria sa import nitong si Chris McCullough na humakot ng 27 puntos at 22 rebounds sa krusyal na Game 4.

Nakatakdang magbigay ng su­por­ta sa kanya ang three-headed back­court na sina Alex Cabagnot, Chris Ross, Terrence Romeo at gayondin ang big men na sina Arwind Santos, Christian Standhardinger at June Mar Fajardo.

Bagamat nakasakay sa momen­tum ng Game 4 win, inaasahang hindi pa rin magiging madali ang misyon ng Beermen lalo’t uhaw na makaganting KaTropa ang kanilang makaka­tung­gali.

Aasa si TNT mentor Bong Ravena sa Best Import na si Terrence Jones na nagtala ng pambihirang 32 puntos, 16 rebounds, 6 assists, 6 steals, at 2 blocks sa kanilang dikit na kabiguan noong Game 4.

Aalalay kay Jones sina Troy Rosario, Yousef Taha, RR Pogoy, Brian Heruela, Don Trollano at Best Player of the Conference na si Jayson Castro.

(JOHN BRYAN ULANDAY)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …