Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
INIHARAP sa media ni Makati chief of police P/Col. Rogelio Simon ang naarestong NBI Officer na si Monakiram Batabor nang tangkaing arborin ang isa sa walong suspek na naaresto sa isinagawang buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Jeson Vigilla, kung saan nasamsam ang 48 sachet ng shabu, isang weighing scale at drug paraphernalia sa San Jose St., Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City nitong Lunes ng gabi. (ERIC JAYSON DREW)

NBI agent umarbor ng drug suspect arestado sa buy bust

ISANG nagpakilalang intelligence officer ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dinakip at dinisaramahan sa isinagawang buy bust operation ng ng Makati police Station Drug Enforce­ment Unit (SDEU) nang tangkaing arborin ang kasong droga ng kanyang tiyuhin na kabilang sa walong hinuli sa operation sa lungsod, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni P/Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati Police ang suspek na si Monakiram Batabor, 39, NBI Intel Officer 1, may asawa, ng 8580 Sgt. Fabian Yabut St., Bara­ngay Guadalupe Nuevo, Maka­ti City na maha­harap sa paglabag sa RA 1829 (Obstruction of Justice) at RA 3019 (Anti Graft and Corruption Practices Act).

Dakong 6:57 pm, unang nagkasa ng buy bust operation ang mga tauhan ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Jeson Vigilla, na ikina­aresto ng walong suspek kabilang ang umano’y kaanak ni Batabor, sa isang ‘drug den’ sa 8591 San. Jose St., Bgy. Guadalupe Nuevo.

Kabilang sa mga hinuli ang mga suspek na sina Anshari Alinor, alyas Alinor; Anshano Ansari, alyas Lucas; Manjale Currie, alyas Benjie; Joemari Edradan, alyas Jomar; Alex Boteri, alyas Alex; Michail Lugay, alyas Mike; Marcelo Mallari, alyas Boyet, at Johaima Oday, pawang nasa hustong gulang.

Nasamsam ang 49 pirasong selyadong pake­te na naglalaman ng umano’y shabu na may street value na P15,500, P500 buy bust money, at drug paraphernalia.

Sa himpilan ng Maka­ti police, dumating si Batabor dakong 8:00 pm at nagpakilalang NBI agent, nagpakita ng ID at kinausap ang SDEU personnel para arborin ang kanyang tiyuhin na nairekord pa sa surveil­lance video ng pulisya.

Agad inaresto ng mga pulis ang nasabing NBI Intel Officer at dinisa­rmahan ng Gloc, caliber .40 pistol na may SN AAFS026, isang maga­zine na naglalaman ng 15 pirasong bala, isang inside holster, at kinom­piska rin ang kanyang Samsung cell phone (A50), itim na wallet, NBI Badge, NBI ID, NBI permit to possess & carry firearms, voters ID, BIR TIN ID, driver’s license at PRC ID.

Nakapiit ang mga suspek sa detention cell ng pulisya at inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga ito.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …