Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gilas, tuloy agad sa ensayo

HINDI na magpapahinga ang Gilas Pilipinas lalo’t dalawang linggo na lang ang nalalabing paghahanda para sa paparating na 2019 FIBA World Cup sa Foshan, China.

Kababalik sa bansa kagabi mula sa Spain, magpapatuloy agad sa ensayo ang RP Team ngayon sa Meralco Gym papalapit sa world basketball joust na nakatakda mula 31 Agosto hanggang 15 Setyembre sa Foshan, China.

Maganda ang naging training camp ng Gilas sa Spain na tumagal ng isang linggo at kinabilangan ng maraming tune up games at mini-pocket tournament.

Unang stop ng Gilas ang Guadalajara na nanalo sila ng pares ng scrimmages kontra sa Congo, 82-71 at Ivory Coast, 93-84.

Sa mini-pocket tournament ay nag-uwi ng bronze medal ang Gilas matapos talunin sa battle for third ang Ivory Coast, 73-63. Spain ang nanalo sa kompetisyong pinamagatang Torneo de Malaga matapos ang 96-64 panalo kontra sa Congo.

Dito sa bansa, sasalang sa araw-araw na ensayo ang Gilas hanggang sa paglipad nito sa Foshan, China sa huling bahagi ng kasalukuyang buwan.

Bago iyon ay magkakaroon ulit ng tune-up matches ang Gilas kontra sa Adelaide 36ers sa 23 at 25 Agosto sa Meralco Gym bago tuluyang sumalang sa world cup.

Sa World Cup ay mapapalaban ang Gilas sa European powerhouses na Serbia at Italy gayondin sa pambato ng Africa na Angola sa Group D. (JBU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …