Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Brunei fishing vessel na may 7 Filipino crew iniulat na lumubog

PATULOY na binaban­tayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Brunei ang nangyaring pagkawala ng isang Brunei-flagged fishing vessel, Radims 2 na iniulat na lumubog sa baybayin ng Brunei.

Batay sa ulat ng DFA, 11 crew ang nakasakay dito kabilang ang pitong Filipino.

Ayon kay Ambas­sa­dor to Brunei Christopher Montero, nakikipag-ug­na­yan na ang Embahada sa Brunei authorities para sa ulat sa isinagawang joint search and rescue operations ng Brunei at Malaysia.

Kahapon ay itinigil ang search and rescue operations dahil walang crew member na identified search area, maliban sa dalawang nauna nang nasagip.

Ayon sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) ng Embahada, ang huling komunikasyon ng may-ari ng Radims 2 at kapitan ng barko ay noong 7 Agosto pa.

Mula noon, ang National Search and Rescue Coordination Committee ng Brunei ay humingi ng tulong mula sa Malaysian Maritime Enforcement Agency sa paghahanap sa nawa­walang crew members.

Ayon sa ahensiya, limang araw nang nawawala ang nasabing barko at patuloy na pinaghahanap ng Brunei authorities.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …