KALABOSO ang isang tattoo artist na tinaguriang No.1 most wanted person sa lungsod dahil sa kasong rape makaraan mapasakamay ng mga awtoridad, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang akusadong si Eugene Aquino, 28, binata, tattoo artist, ng Acacia Street, Barangay Cembo, Makati City.
Sa ulat, inaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni P/CMSgt. Ronaldo Robles, ang akusadong si Aquino sa bahay sa San Miguel St., Bgy. Commonwealth, Quezon City, dakong 5:20 pm.
Hinuli si Aquino sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 137 Judge Ethel Mercado-Gutay para sa kasong rape with frustrated homicide sa ilalim ng criminal case #19-03141-CR.
Base sa report, inirekomenda ng korte ang halagang P120,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.
Nabatid na si Aquino ang parehong tattoo artist na nag-viral sa social media.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa custodial facility ng Makati PNP.
(JAJA GARCIA)