UMAASA si Pangulong Rodrigo Duterte na gagawa ng personal na sakripisyo ang publiko para sa ikabubuti ng mas nakararami.
Sa kanyang mensahe sa paggunita ng Eid’l Adha o ‘Festival of Sacrifice,’ sinabi ng Pangulo, ang malalim na pananampalataya ang pagkukusa ni Ibrahim (Abraham) na ialay ang buhay ng kaniyang anak na lalaki para sundin ang kautusan si Allah.
Ang Eid’l Adha ay hindi lamang aniya pagtuturo ng personal na pagsasakripisyo kundi ang pagtuturo ng value of submission sa higher authority o sa May Likha na higit na nakaalam sa kung ano ang mas nakabubuti.
“This account not only teaches us the importance of personal sacrifice, but also inculcates in us the value of submission of higher authority, even though, at times, our feelings and emotions compel us otherwise,” pahayag ng Pangulo.
“Let us, therefore, reflect on the lessons we can learn today to deepen our faith and strengthen our resolve to bring about a society that is worthy of Allah’s continued blessings and protection,” dagadag niya.
(ROSE NOVENARIO)