BILANG na ang masasayang araw ng mga mahilig uminom sa mga pampublikong lugar matapos ihain ng isang kongresista ang panukalang nagbabawal sa pag-inom sa kalsada, eskinita, parke, playground, plaza at parking area anomang oras ng araw.
Ayon sa House Bill 3047 na akda ni Quezon Rep. Angelina Tan, kailangan pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang pag-inom ng alak bilang isang “public health issue.”
“Alcoholism and violence have clearly become key public health issues that require urgent attention. Hence, it is imperative for the country to initiate proactive policies to curb alcohol consumption in public places,” ayon kay Tan.
Ang mga lalabag ay makukulong nang hanggang tatlong buwan at pagmumultahin ng P10,000.
Ayon kay Tan, mismong ang World Health Organization (WHO) ang nagsasabi na tatlong milyon ang namamatay kada taon dahil sa alak. Ito rin, aniya, ang sanhi ng mahigit 200 sakit.
“Alcohol consumption causes death and disability relatively early in life. In the age group 20-39 years approximately 13.5 percent of the total deaths are alcohol attributable,” ani Tan sa pagsipi sa pag-aaral ng WHO.
ni Gerry Baldo