TINIYAK ng Palasyo na pakikinggan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging rekomendasyon ni Health Secretary Francisco Duque III kung gagamiting muli ang Dengvaxia vaccine.
Batay sa ulat ng Department of Health, mahigit 100,000 kaso ng dengue ang naitala sa bansa mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon at mahigit 400 katao na ang namatay.
Sinabi ni Presidential Spokesamn Salvador Panelo, maaaring matalakay ang isyu ng Dengvaxia sa cabinet meeting mamayang hapon sa Malacanang.
(ROSE NOVENARIO)