Monday , December 23 2024

Dengvaxia ipinababalik ng doctors, scientists

SA GITNA ng napaka­raming tinamaan ng dengue sa bansa, nana­wagan ang mga siyentista at mga doktor na ibalik na ang bakunang Deng­vaxia sa bansa upang puksain ang malawakang panganib ng dengue.

Ayon kay Iloilo Rep. Janette Loreto Garin, kawawa ang mahihirap na Filipino na walang kakayahang magpabu­kana sa ibang bansa.

“‘Yung may mga kaya nagpapabakuna sa Singapore, Malaysia. Mayayaman at middle class na Filipino, paano naman ang mahihirap,” ani Garin, ang dating kalihim ng Department of Health.

Naglabas na ng position paper ang ilang grupo ng mga doktor at siyentista patungkol sa Dengvaxia. Hinimok nila na tingnan muli ng go­byerno ang posisyon sa pagbabawal sa bakuna na, sa tingin ng mga eksperto, makasusugpo ito ng dumaraming kaso ng dengue sa bansa.

Giit ni Garin, walang namatay sa Dengvaxia tulad ng sinasabi ni Atty. Persida Acosta ng Public Attorney’s Office (PAO).

Aniya, walang pinipili ang dengue, mayaman man o hindi, kaya ‘yung may kaya ay nagpapa­bakuna sa Singapore o sa Malaysia, na pinayagan ang Dengvaxia.

Ani Garin, hindi lahat ng may kaya ay naka­bibiyahe tungo sa ibang bansa.

Aniya, kung papa­yagan muli ng gobyerno ang Dengvaxia, “At least 20% sa population (na may kaya) ay mapo­protektahan laban sa dengue” kung irere­komenda ito ng kanilang mga doktor.

Marami na ang namatay dahil sa dengue.

Napakahalaga uma­no ng dengvaxia dahil sa kaso aniya ng Filipinas, 97% ng mga Filipino ay nagkaroon na ng dengue at 80% sa mga nagkaroon ng nasabing virus ay walang naramdamang sakit o sintomas.

(GERRY BALDO)

 

 

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *