Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Assistant warden patay sa ambush

TINAMBANGAN ng dalawang nakamotorsiklong armadong suspek ang assistant warden ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Parañaque City, kaha­pon ng umaga.

Namatay noon din ang biktima na kinilalang si J/SInsp. Robert Bar­quez, nasa hustong gu­lang, assistant warden sa QC Annex, Camp Bagong Diwa, Bicutan sa Taguig City, sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang lalaking salarin na nakasuot ng itim na jacket at magkaangkas sa isang itim na motorsiklo.

Base sa inisyal na imbes­tigasyon nina P/SSgt. Johnny Margate at P/SSgt. Mislang ng Para­ñaque City police, naga­nap ang pananambang at pamamaslang sa biktima sa kahabaan ng Doña Soledad malapit sa BDO, Barangay Don Bosco sa nasabing lungsod, dakong 11:00 am kahapon.

Habang minamaneho ni Barquez ang kanyang itim a Mitsubishi Expan­der, may plakang N51437 patungong Multinational, biglang sumulpot at pinag­tulungang bistayin ng bala ng dalawang motor­cycle riding-in-tandem suspects na agad ikinamatay nito.

Tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksiyon matapos ang pananambang.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon at follow-up operation ang awtoridad sa nasa­bing ambush.

ni JAJA GARCIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …