RIGHT decision ang ginawa ng GMA Pictures na mas inuna na nilang ipalabas ang “Family History” nina Michael V at Dawn Zulueta kaysa launching movie ng komedyanteng si Super Tekla na Kiko & Lala.
Balitang humamig ng P3 milyon sa first day sa mga sinehan ang pelikula nina Dawn at Michael and in all fairness ay maganda ang reviews sa story nito.
E, ‘yung kay Super Tekla, parang maraming kulang at mga ‘the who’ ang supporting cast saka hindi talaga nakatatawa ‘yung mga scene.
So bago pa malugi ang GMA Pictures ay magdagdag sila ng mga artistang may name at puwede rin nilang isama si Boobay lalo’t hit ang tandem nila ngayon ni Tekla.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma