Monday , December 23 2024

Mag-asawang boss tsip ng CPP-NPA timbog sa QC

INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Special Operation Unit (QCPD-DSOU) ang mag-asawang may mata­as na katungkulan sa Com­munist Party of the Philippines – New Peoples Army (CCP-NPA) maka­ra­ang makialam sa pag-aresto sa kasamahan nilang wanted sa kasong pagpaslang para makatakas nitong Martes, 23 Hulyo 23, iniulat kahapon.

Nakuha rin umano sa bahay ng mag-asawa  ang isang baril at pampasa­bog.

Sa pulong balitaan na pinangunahan nina NCRPO chief, P/MGen. Guillermo Lorenzo Eleazar, at QCPD Direc­tor, P/BGen. Joselito Esquivel, kinilala ang mag-asawang sina Ale­xander Ramonita Brondo y Kintanar, 67 anyos; at Winona Marie, 60 anyos, kapwa residente sa Block 5, Lot 5, Strauss St., North Olympus Subd., Brgy. Kaligayahan, Quezon City.

Si Winona Marie, ay sinabing kalihim ng CCP/NPA National Propagan­da Commission habang ang kanyang mister ay staff ng CCP/NPA Nation­al Education Commission.

Ayon kay P/Lt. Col. Gil Torralba, hepe ng DSOU, nadakip ang mag-asawa nitong Martes, dakong  5:30 am, sa pa­ma­magitan ng warrant of arrest.

Nakatakdang aresto­hin ng mga operatiba ng DSOU si Rolando Cabal­lero, alyas Jet, sa pinagta­taguan nito sa Unit 515 5/F, Archway Apartment sa 53 Dagupan St., Brgy. Mariblo, San Francisco Del Monte, QC, na kala­unan ay mababatid na safehouse ng mag-asa­wang Birondo.

Nang arestohin si Caballero, nakialam, pinigilan at hinarang ng mag-asawa ang tropa ng DSOU dahilan para ma­ka­takas si Caballero.

Dahil dito, dinakip at dinala ang mag-asawa sa Criminal Investigation and Detection Unit sa QCPD General Head­quarters sa Kampo Kari­ngal.

Nang beripikain, nala­man na ang mag-asawa ay may mataas na ka­tung­kulan sa CCP/NPA bukod sa dati nang naha­harap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Compre­hensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at paglabag sa Sec 3 ng PD No. 1866 – RA 9516 (Unlawful manu­facture, Sales, Acqui­sition, Disposition, Im­por­tation or Possession of an Explosive or  Incen­diary Device).

Dahil dito, kinasuhan ng obstruction of justice ang mag-asawa sa QC Prosecutor’s Office kasabay din ng pag-apply ng search warrant sa QC regional trial court (RTC) para sa pagsalakay sa safehouse ng mag-asawang Brondo.

Dakong 10:00 pm, makaraang aprobahan ang search warrant, mu­ling sinalakay ng DSOU ang safehouse.

Kasama ng mga operatiba sa paggalugad ang chairwoman ng Brgy. Mariblo na si Nenita Valdez, mga kagawad na sina Jorome Taeza at Jun Obina at may-ari ng condo-apartment na si Ms. Concepcion Bambao.

Nakuha sa safehouse ng mag-asawa ang isang kalibre .45, isang maga­zine para sa kalibre .45, pitong bala ng kalibre .45, isang holster, isang MK2 hand grenade, isang rifle grenade 40mm high explosive; at isang rolyo ng detonating cord.

Nakatakdang kasu­han ang mag-asawa ng illegal possession of fire­arms at explosives.

ni ALMAR DANGUILAN

About Almar Danguilan

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *