Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Madam Kilay nag-magic, kutis ay biglang kuminis

Si Jinky Anderson na mas kilala as Madam Kilay at isang Pinay comedian and internet sensation. Bukod sa humahataw ang career, marami ang nagulat sa parang  magic ng kanyang kutis na noon ay bina-bash ng netizens, pero ngayon ay biglang kuminis.

Ano ang kanyang sirketo? “I’m proud to say na lalong bumongga ang beauty ko dahil mas makinis na ako ngayon compared noon. Matagal na kasi akong gumagamit ng Skin Magical rejuvenating soap. ‘Yon lang talaga ang ginagamit ko. One time, nang bumisita ako sa ‘Pinas, I learned na marami ang kumikitang resellers nito. And dahil na-curious ako, I tried to pur­chase ‘yung Rejuvenating Kit 1, sunscreen and whitening lotion ng Skin Magical and shocked ako sa mabilis na develop­ment ng aking skin lalo sa face,” pagmamalaking saad ni Madam Kilay.

Ang Skin Magical Rejuvenating Set #1 (Treatment Set) ay ipinagmamalaki ng naturang skin care company dahil tinatanggal nito ang pimple marks and mild pimples. Nagpapaputi rin ito with blooming and pinkish glow effect. It also tightens skin pores na nagpapa-healthy and fresh-looking. “My friends were amazed nang nakita nila ang pagbabago ng skin ko. Sinabi ko ang totoo kaya pati sa YouTube account ko, talagang ipinagmamalaki ko ang pagbabago na na-experience ko with Skin Magical,” dagdag ni Madam Kilay.

Incidentally, dahil sa magandang skin ni Madam Kilay at sa real life before and after result, sobrang dami niyang nabentang pro­ducts lalo sa kanyang lugar sa Navotas at Manila.

According to Skin Magical CEO Ms. Ghie Pangilinan, Madam Kilay has been one of her endorsers for Rejuvenating soap with another internet sensation Jelai Andres, who is now a certified Skin Magical distributor.

“As the owner of Skin Magical, nakaka-proud malaman na napaganda lalo ng product namin ang kutis ni Madam Kilay. Iyon ang purpose ng products namin, ang pagandahin at mabigyan ng kakaibang confidence ang users nito. Marami na ang nag-testify ng pagbabago at pagkinis ng kanilang facial skin with our products. Marami na rin ang nagbago ang outlook sa buhay dahil nang umayos ang skin texture ng users, nagkaroon din sila ng tiwala sa mga sarili nila. Most of them, nagkaroon ng maganda at maayos na trabaho. ‘Yung iba naman, na-empower dahil nagkaroon na sila ng tiwala sa kanilang sarili.

“We continue to appreciate iyong users na nagte-testify sa pagbabago ng kanilang life using Skin Magical kaya naman ibinabalik namin ‘yon by developing our products para sa lalong ikabubuti ng aming clients and users,” ani pa ni Ms Ghie.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …