IPATUTUPAD sa buong Metro Manila ang formula ni Manila Mayor Isko Moreno sa paglilinis ng mga kalye upang maibsan ang problema sa trapiko.
Tiniyak ito ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa post-SONA briefing kahapon alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang mga pampublikong lugar para magamit ng taong bayan.
“Dito sa Metro Manila, ang mga kalye ay ginagawang tianggehan, tindahan ng vendors at parking areas. We will change that, gaya sa Maynila na ginagawa ni Mayor Isko Moreno, ‘yung Divisoria malinis na ngayon, tinanggal niya ang vendors dito,” ani Año.
Ang unang hakbang aniya upang mapaluwag ang trapiko ay magsasagawa ang DILG ng imbentaryo ng lahat ng kalye sa Metro Manila na ginawang private roads.
Ang ikalawang paraan aniya ay pagkakaroon ng kasunduan sa gated subdivisions upang ipagamit ang kanilang mga kalye kapag rush hours bilang alternatibong ruta ng mga sasakyan.
Ang ikatlong hakbang aniya ay ipatupad ang memorandum of agreement sa pagitan ng DILG-NCR at Metro Manila Development Authority (MMDA) na saklaw ang 110,710 barangays, at aalisin sa mga kalye ang lahat ng obstruction at illegal parking.
Sa panig ng law enforcement, bahala aniya ang Philippine National Police (PNP) sa panghuhuli sa mga kolorum at lumalabag sa batas trapiko.
Nagbabala si Año na sususpendehin niya ang sinomang lokal na opisyal na hindi makikipagtulungan sa direktiba ng Pangulo.
“As the President said, I will initiate investigation that will even lead to suspension of local chief executives who will not follow direct orders from the President,” dagdag ni Año.
ni ROSE NOVENARIO
Clean-up campaign
ni Mayor Isko
gagayahin ng DILG
TINIYAK ng Department of Interior and Local Government (DILG) kay Pangulong Rodrigo Duterte na susundin ang kaniyang kautusan na bawiin ang lahat ng pampublikong kalsada na ginagamit sa pansariling interes.
Sa post-SONA press briefing, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, ipatutupad ng kagawaran ang katulad na clean-up campaign ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.
Aniya, makikita sa Metro Manila pa lamang ang ilang kalsada na ginagawang tiangge, tindahan ng mga vendor at parking area.
Magsasagawa rin ng inventory ang kagawaran sa lahat ng kalsada sa Metro Manila na ginagamit bilang pribadong kalsada.
Dagdag ni Año, makikipagkasundo sila sa mga subdivision kung maaring gawing alternatibong daanan ng mga motorista tuwing rush hour para makabawas sa sikip ng trapiko.