Sunday , December 22 2024

Panalo ni Pacman tagumpay ng PH

TAGUMPAY ng buong Filipinas ang panalo ni Senador Manny Pacquiao bilang bagong WBA Super World Welterweight champion laban kay Keith Thurman.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakikiisa ang Palasyo sa pagbubunyi ng sambayanang Filipino sa panibagong karangalang nasungkit ng Pamban­sang Kamao.

“Pacquiao’s victory is not only his, but of the entire nation. As such, the Palace is one in rejoicing with the Filipino people as the Pambansang Kamao once again puts the flag above the pedestal with his display of tenacity and courage,” ani Panelo.

Dagdag ni Panelo, hindi kinabog si Pacquiao kahit di-hamak na mas bata sa kanya si Thurman bagkus ay ipinamalas ang kanyang pagpu­pursigi bilang isang “fighter” na katangian ng isang Pinoy.

“We thank Senator Manny for not only bringing honor and glory to our flag, but for once again uniting all Filipinos worldwide with his display of athleticism, power and Filipino pride,” sabi ni Panelo.

Una nang nagbigay ng karangalan ngayong taon si Pacquiao nang gapiin si Adrien Broner at napanatili ang kanyang WBA welterweight belt.

(ROSE NOVENARIO)

 

 

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *