BUBUKSAN na bukas, Martes, 23 Hulyo, ang Cavitex Infrastructure Corporation (CI) kasama ang joint venture partner na Philippine Reclamation Authority ang unang 2.2 Kms ng kanilang 7.7-Km Cavitex C-5 Link Expressway.
Kahapon ng hapon ay nagsagawa ng final construction inspection si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar sa 2.2 Kilometer section (C-5 Link Flyover) na konektado sa C-5 hanggang Merville, Pasay City at Sucat, Parañaque City.
Ito ang inianunsiyo ni Secretary Villar sa isinagawang inspeksiyon sa naturang flyover kasama ang mga opisyal ng CIC.
Sa pagkompleto ng C-5 South Link, ang urban expressway ay magbibigay sa mga motorista ng mga bagong ruta habang binabaybay ang traffic choked corridors sa pagitan ng Parañaque City, Las Piñas City, Pasay City, at Taguig City sa katimugang Metro Manila.
“Vehicular traffic spends about 1.5 hours just across from Villamor area in Pasay City hanggang Taguig via Fort Bonifacio. On opening, this section will have three lanes on each direction and will enable about 8,000 vehicles to easily cross in half that time,” ani Villar.
“We are committed to pursuing the completion of the remaining sections of the Cavitex C-5 Link expressway under the Build Build Build Program of the President,” dagdag ni Villar.
Ang C-5 Link Flyover project ay nagkakahalaga ng P1.6 bilyon na magiging alternatibong ruta para sa commuters na bumibiyahe sa pagitan ng Fort Bonifacio, C.P. Garcia (C-5), Taguig City, Parañaque City, Las Piñas City at Pasay City.
Direkta rin itong tatawid mula sa C-5 ng Metro Manila Skyway at ng South Luzon Expressway, hanggang Merville at Sucat.
Inaasahang mada-divert ang trapiko ng mga sasakyan sa pagbubukas nito mula sa often-gridlocked sa Sales interchange malapit sa Villamor Airbase at mapagagaan ang pagsisikip sa parehong SLEX east at West Service Roads maging sa EDSA.
“We are on our final touches for this segment. Ultimately, we foresee that Cavitex C-5 Link Expressway will benefit abot 50,000 vehicles daily and will afford commuters the expressway experience south of Metro Manila from Parañaque Toll Plaza hanggang C-5 sa Taguig City. We intend to start construction of the next 2.1 Km section from Merville to Sucat, Las Piñas City by 4th quarter of this year,” ani CIC President Roberto Bontia.
(JAJA GARCIA)