Saturday , November 16 2024
dead gun

Tatalon sana mula 38th… Grade 11, nagbaril na lang sa sarili

Malalimang imbes­tigasyon ang isinasagawa ngayon ng Quezon City Police District (QCPD)  para alamin kung ano ang nagtulak sa isang grade 11 student para magbaril sa sarili, iniulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat ni P/Capt. Juan Mortel ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (CIDU), ang biktima na si Wylls Ian Vallo, 17, residente sa 38/F Unit 3809, Grass Resi­dences,  Barangay. Sto Cristo, Bago Bantay, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Rhic Roldan Pittong, dakong 6:00 am nitong Miyerkoles (17 Hulyo) nang madis­kubre ang biktima ng kanyang amang si Jose William Vallo na agad  ini-report sa duty security guard ang pangyayari.

Sa suicide note ng bik­tima, nakasulat doon na “tumalon ako dahil gusto ko nang matapos ang  lahat,” ngunit tila natakot umano ang teenager  at nagbaril sa sarili.

Sa eksaminasyon, lumalabas na tinamaan ng bala sa kaliwang sentido si Wylls na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Narekober mula sa crime scene ang isang caliber 9mm Glock 17 pistol, ang ginamit na baril ng biktima sa kani­yang  pagpa­patiwakal. (ALMAR DANGUI­LAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *