KABASTUSAN na ang napapanood ng mga kabataan sa teleseryeng Ang Probinsyano ng ABS-CBN na pinagbinidahan ni Koko Martin.
Wala na sa hulog sa pag-iisip ang scriptwriters ng teleserye sa pagsasalarawan ng kahinaaan ng mga policewomen ng PNP na maaaring magdulot ng negatibong kaisipan lalo sa mga kabataang kababaihan na gustong maging pulis.
Bukod sa napakalaswang mga dialouge at eksenang pinipilahang gahasain ang isang policewoman ay tuwirang pambababoy na sa mga pulis natin, kaya dapat na sigurong tuldukan ng liderato ng PNP ang ganitong kababuyan.
Nagreklamo noon si Dir. Albayalde bakit naareglo?
November 2018 nang sumiklab ang galit ni PNP Director General sa negative portrayals ng PNP personnel sa nasabing teleserye at mabilis na kinampihan ni Sen. Ping Lacson, pero sa paliwanag ng mga sangkot sa produksiyon na ang lahat ng napapanood ay fictionals lamang, aba! Himalang nakapagpatuloy pa sa pagsalaula sa PNP ang mga production scriptwriter at director, bakit nga ba?
Totoo namang maraming tagasunod ang programa at bukod sa kumikita ito ng bilyong halaga mula sa commercial/advertisers ay nakapagbibigay ng hanapbuhay sa maraming production personnel at mga artistang matumal na ang exposures o hindi na sikat pero magagaling naman talaga.
Policewoman naduwag, nanginig at pinilahang gahasain? Garapalan na ‘yan!
Lingid sa kaalamang abot ng ordinaryong tagapanood ng teleserye ni Koko Martin, unti-unti nitong binabawasan ang kredebilidad at kakayahan ng mga kababaihang pumapasok sa PNP at ipinakikita sa manonood ang kawalang saysay ng PNP women operatives at sa pangmesang gawain lamang nababagay.
Kaya ba sa eksenang sa ibabaw ng mesa ipinagahasa ng director ang isang policewoman?
Sobra naman ‘yan!
Kung fictionals ulit ang magiging dahilan, pagbigyan pa kayang muli?
Kung pagbibigyang muli ang ganitong klase ng teleserye, hindi kaya magkaroon naman ng eksena na adik naman sa droga at nasisiraan ng bait ang pinuno ng PNP na siyang magiging problema ng buong bansa?
Hahahaha hindi imposibleng gawin ito ng mga hunghang na scriptwriters ng Ang Probinsyano, kaya Gen. Albayalde, Sir kutusan mo na sila!
BAKAS
ni Kokoy Alano