Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
money thief

Executive judge nanakawan sa fitness gym

UMABOT sa halos daan-libong cash, alahas, kabi­lang ang credit card, at mahahalgang dokumento ang nakuha mula sa isang hukom ng Taguig Regional Trial Court (RTC) habang nagwo-workout sa isang kilalang fitness gym sa isang malaking mall sa Pasay City.

Nagtungo ang bik­timang si Judge Bernard Bernal, 41, binata, Exe­cutive Judge ng Taguig RTC.

Ayon kay P/Maj. Wilfredo Sangel, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police, nata­ngay ang mahahalagang bagay na pag-aari ng nasabing biktima na kinabibilngan ng men’s wallet na nag­kakahalaga ng P18,000, dalawang singsing na nagka­kahalaga ng P275,000, P40,000 cash money, driver’s license, credit card mula sa Bank of Commerce, at isang IBP Card.

Sa report  ng pulisya, naganap ang insidente sa pagitan ng 3:45 at 5:04 pm sa Fitness First Club na matatagpuan sa Mall of Asia (MOA) Complex, Pasay City.

Mag-i-excercise ang biktima sa naturang gym kaya inilagay niya sa kanyang locker ang mga gamit at pera at ini-lock sa pamamagitan ng locker card.

Matapos makapag-workout  nagtungo ang biktima sa kanyang locker at dito nadiskubre na bukas na ito at nawawala na ang kanyang mga gamit.

Kaagad ini-report ng biktima sa management ang pangyayari, saka ini-report sa pulisya.

Patuloy na nagsa­sagawa ng imbestigasyon ang Pasay police kaug­nay sa insidente.

 (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …