Sunday , December 22 2024

Pirmado na ng Pangulo… Batas sa 20% student discount inilabas na

MAY 20 porsiyentong diskuwento ang lahat ng estudyante sa lahat ng uri ng tran­spor­tasyon alinsunod sa Student Fare Discount Law na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa sa Republic Act 11314 o Student Fare Discount Act, maka­kukuha ng 20 percent discount ang mga es­tudyante sa pasahe bas­ta’t tiyakin na may maipipresentang iden­tification card o enrolment form.

Kasama sa discount ang public utility bus, mga jeepney, tricycle taxi, eroplano at mga barko.

Saklaw din ng dis­kuwento sa bagong batas ang weekends at holi­days.

Labing limang pisong multa at kanselasyon ng certificate of public con­venience ang maaring kakaharapin ng mga may-ari ng pampu­bli­kong sasakyan kapag hindi tumalima sa batas.

Noong 17 Abril, nilag­daan ng pangulo ang ba­tas ngunit ngayon lamang inilabas ng palasyo ang dokumento hinggil dito.

May nakalaang pa­ru­sa para sa mga estu­dyante na gagamit ng mga pekeng ID para makakuha ng discount sa pasahe.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *