Wednesday , May 14 2025
MAGKATULONG na binubuhat ng mga tauhan ng punerarya ang bangkay ng biktima ng ambush na si Jesus De Guzman Dimayuga, retiradong airport transport supervisor, habang inilalabas sa kanyang sasakyan na Honda CRV, may plakang XGZ 906, agad namatay nang pagbabarilin ng lalaking nakamotorsiklo sa kanto ng Osmena Hi-way at Cailles St., Barangay Bangkal, Makati City, kahapon ng umaga. (ERIC JAYSON DREW)

Retiradong transport manager todas sa ambush

ISANG tama ng bala ng baril sa dibdib ang tumapos sa buhay ng 63-anyos transport manager makaraan barilin ng hindi kilalang suspek, sakay ng motorsiklo, habang nagmamaneho ng Honda CRV kahapon  ng umaga sa Makati City.

Patay noon din sa pinangyarihan, ang bikti­mang si Jesus De Guzman Dimayuga, residente sa Bonifacio St., sa Barangay Bangkal ng nasabing lungsod, at sinabing dating konek­tado sa mga trans­por­tasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay P/Maj. Gideon Ines, hepe ng Investigation Detective & Management Branch (IDMB) ng Makati City Police, nangyari ang pama­maril sa Osmena Hi-way  malapit sa Cail­les St., dakong 8:25 am.

Agad tumakas ang suspek nang makitang du­gu­an ang biktima sakay ng motorsiklo na nakasuot ng jacket na kulay olive green at naka­suot ng puting helmet.

Ayon kay Ines, nang­galing ang biktima kasa­ma ang misis na si Ramo­na sa simbahan at habang minamaneho ni Dima­yuga ang kanilang sasak­yang Honda CRV, may plakang XGZ 906 sa Osmena Hi-way paliko sa Cailles St., biglang sumul­pot  ang motorsiklong walang plaka lulan ang suspek na agad binaril si Dimayuga.

Pahayag ng asawa ng biktima kay Ines, walang kaaway ang kanyang asawa, mabait at isang lay minister sa simbahan.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang naturang kaso.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *