The Local Government Unit (LGU), which has the jurisdiction over the commercial parking station, shall impose the necessary administrative fee and other charges necessary for the said purpose.
— 7th US President Andrew Jackson
PASAKALYE:
Mukhang hindi na naman nag-isip si neophyte senator at dating Philippine National Police chief General Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa kanyang pagdepensa sa anti-drug operation na nagresulta sa pagkasawi ng 3-anyos batang babae sa Barangay San Jose sa bayan ng Rodriguez sa lalawigan ng Rizal.
Reaksiyon ni Dela Rosa sa pangyayari: Sh*t happens during operations.
Punto naman ng movie director na si KIP OEBANDA (@kipoebanda): “A three-year-old kid gets killed in the drug war and all Bato could say is that sh*t happens? No, dude. Sometimes sh*t gets elected.”
Ano kaya ang reaksiyon ng pamilya ni Kateleen Myka Ulpina sa pagdepensa ni Bato sa mga pumatay sa 3-anyos biktima?
***
NAGHAIN si Parañaque representative Joy Myra Tambunting ng panukalang batas para sa regulasyon ng mga pay parking area sa mga mall, hotel at iba pang mga establisimento para sa kapakanan ng publiko.
Layunin ng House Bill 1037 ni Tambunting, o ang panukalang Proprietors Regulations Act, na lagyan ng regulasyon ang pagkakaroon ng business parking station ng mga may-ari ng negosyo na kadalasan ay nagtatakda ng sobra-sobrang parking fees na nagpapahirap sa kani-kanilang mga kostumer.
Ayon sa mambabatas, napapanahon na para iwasto ang masasabing ‘bias’ sa publiko, dahil masyadong nalalamangan ang mamamayang nagbabayad sa paggamit ng parking space.
Nakasaad din sa panukalang batas na i-redefine at lagyan ng regulasyon ang contractual agreement, terms o conditions na tradisyonal na ginagamit sa commercial parking industry at kilalanin din ang mga karapatan ng paying public. Naniniwala ang kinatawan ng Parañaque na sa ganitong paraan ay mabibigyan ng proteksyon ang mga karapatan at interes ng magkabilang panig.
May stipulasyon din sa HB 1037 ang paglikha ng mga parking space para sa mga persons with disability (PWD) bukod sa alokasyon ng takdang slot o lugar para sa mga senior citizen.
***
PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!
PANGIL
ni Tracy Cabrera