Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
crime pasay

American sweethearts hinoldap sa Pasay

HINOLDAP ang magka­sintahan na American nationals at tinutukan ng patalim ng hindi kilalang rider kahapon ng mada­ling araw sa Pasay City.

Nanlulumong nagtu­ngo sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police ang mga biktimang sina Liam Dickhardt, 20, ng Break­water Way, Oxnard, California, at ang nobya nitong si Jewel Miller, pawang estudyante para ipaalam ang nangyaring pagholdap sa kanila.

Ayon kay Pasay city police chief P/Col. Ber­nard Yang, nangyari ang holdap sa NAIA Ter­minal 4, Domestic Road, Barangay 191, ng lungsod dakong 2:20 am.

Sinabi ni Yang, nagla­lakad ang magkasintahan sa nabanggit na lugar nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo na walang plaka sakay ang isang lalaki.

Tumigil sa kanilang harap ang motorsiklo at agad nagpahayag ng holdap sabay tutok ng patalim na ikinagulat ng dalawang biktima.

Dahil sa nerbiyos at takot ng magkasintahan ibinigay ang backpack na pilit na hiningi ng suspek na naglalaman ng pass­port ng dalawa, black iPhone, sunglasses, P10,000 cash at US$200.

Nang makulimbat ang pakay sa dalawang biktima agad pinaharurot ang  motorsiklo patungo sa direksyon ng Park and Fly sa MIA Road.

Inilarawan ang lala­king suspek na sakay ng itim na motorsiklo, naka­suot ng itim na helmet, dark color T-shirt at shorts.

Agad nagkasa ng follow-up operations sina S/Sgt. Michael Mendoza, P/Cpl. Rogelio Luma­bao, at Pat Kacson Obando ngunit nabigong maaresto ang suspek. Sinusuri ng mga pulis ang nakalagay na close circuit television (CCTV) camera kung nahagip ang panghohol­dap ng suspek sa magka­sintahan.

(J. GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …