Friday , April 25 2025
Bureau of Customs BOC Duterte Rey Leonardo Guerrero
Bureau of Customs BOC Duterte Rey Leonardo Guerrero

50 Customs official sinibak ng Pangulo (haharap sa Lunes kay Duterte)

MAHIGIT 50 opisyal at empleyado ng Bureau of Customs (BoC) ang sini­bak sa puwesto at inila­gay sa floating status ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te dahil sa pagka­kasangkot sa katiwalian.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ihahayag ni Pangulong Duterte ang pangalan ng mga tinang­gal sa puwesto sa mga susunod na araw pero hindi kasama sa kanila si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Isasailalim aniya sa imbestigasyon ang mga sinibak na opisyal at kawani ng BoC at posi­bleng sampahan ng mga kasong administrtibo at kriminal.

Noong nakalipas na Martes ay ipinatawag ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng BoC sa Malacañang.

Kaugnay nito, tiniyak ni Panelo na ihahayag ni Pangulong Duterte ang resulta ng imbestigasyon sa pagpuslit ng P1 bilyong halaga ng shabu sa isinubastang ‘tapioca starch’ ng BoC noong nakaraang Mayo.

Kamakalawa, isini­walat ni BoC district collector Erastus Austria na nagkaroon ng cover-up sa tapioca shipment at hindi totoong controlled delivery ang P1-B shabu taliwas sa pahayag ng BoC at PDEA.

(ROSE NOVENARIO)

50+ sinibak sa BoC haharap sa Lunes kay Duterte

IPATATAWAG ni Pa­ngu­long Rodrigo Duterte sa Palasyo sa Lunes, 15 Hulyo, ang mahigit sa 50 kawani at opisyal ng Bureau of Customs (BoC) na kanyang sinibak sa puwesto bunsod ng korupsiyon.

“I was reading the dossier from all intelligent sources and I am… If I can dismiss them, I will be dismissing something like 64 Customs employees,” anang Pangulo sa kan­yang talumpati kahapon sa anibersaryo ng GOCC sa Malacañang.

Sinabi ng Pangulo, nais niyang mapakinggan ang panig ng mga akusa­dong empleyado ng BoC alinsunod sa patakarang “right to be heard.”

“In the meantime, that their case are being heard, in obedience of the rule to the right to be heard, I want them to be here in Malacañan. My view is that help me craft a new implementing rules of how not to rob a country properly,” aniya.

Aniya, bahala na ang Ombudsman sa mga kasong administratibo at kriminal na isasampa sa mga kawani at opisyal ng BoC.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *