Sunday , December 22 2024

Ang Probinsyano Party-list rep nanapak ng waiter

NAHAHARAP sa isang reklamo ang kinatawan ng Ang Probinsyano Party-list bunsod ng pananapak sa isang waiter ng Biggs Diner sa Legazpi City.

Sa salaysay ni Chris­tian Kent Alejo, 20 anyos, residente sa Legazpi City, noong 7 Hulyo 2019, dakong 3:40 am, sinuntok siya ng isang Alfred Delos Santos na kinilalang kinatawan ng Ang Probinsyano Party-list.

Ayon kay Alejo, hindi niya alam kung bakit sinuntok siya ni Delos Santos na, ayon sa kanya, nangangamoy alak.

Ayon kay Atty. Bart Rayco, maghahain sila ng kasong slight physical injuries sa korte at reklamo sa Ethics Com­mittee ng Kamara sa pagbubukas nito sa 22 Hulyo.

Ani Alejo, inaayos niya ang placemat ng kongresista at mga kasama nito ng sabihan siya na masama siyang makatingin.

Nagreklamo umano ang kongresista patung­kol sa paghingi ng tubig ng kanyang kasama.

“Nata maraoton ka makailing (Bakit ang sama mong maka­tingin),” ang sabi ng kongresista kay Alejo.

Tinawag, aniya siya, ni Delos Santos, at nang bumalik sa mesa ng kongresista, agad siyang sinuntok.

Nailagan, umano niya ang suntok na uma­bot lamang sa kanyang ulo.

Aniya, marami ng nag-aalok sa kanya ng areglo.

“Pero ayaw ko,” ani Alejo.

Si Delos Santos, ang pangunahing nominee ng Ang Probinsyano, ayon sa mga sources, ay kaalyado ni Rep. Joey Salceda ng 2nd District ng Albay.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *