Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
nakaw burglar thief

4 Akyat Bahay gang timbog sa hardware

TATLO sa apat na suspek na sinabing miyembro ng Akyat Bahay Gang ang nadakip matapos looban ang isang establisimiyento sa Muntinlupa City, iniulat kahapon.

Nakapiit sa detention cell ng Muntinlupa city police ang mga suspek na sina Jerome Banday, 29; Wil­fredo Yumol, 58; at Vincent Lomeda, 43, habang nakatakas ang kanilang kasabwat na kinilalang si Jomer Banday, 43 anyos.

Habang ang biktima ay kinilalang si Gloria Baron, 60, negosyante.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nabisto ang pagnanakaw sa loob ng Glo Glen Builders and Construction Supply na matatagpuan sa 129 National Road, Barangay Bayanan, Muntinlupa City, dakong 7:30 am.

Agad humingi ng tulong ang biktima sa mga pulis sanhi ng agarang pagkaka­dakip sa tatlong suspek habang nakatakas ang kanilang kasabwat na si Jomer Banday.

Narekober sa mga suspek ang dalawang electrical wire na nagkakahalaga ng P6,200, anim na Philips bulb-P300, isang LED bulb P150, isang cloth duct tape P250, isang Hippo tape P100, isang set ng Breaver lock P350; at isang set ng Top Grade lock P500.

Natangay ni Jomer Banday ang isang rolyong electrical tape P3,100; dalawang Sniff P600, isang gun tacker P500, tatlong soldering iron P600; tatlong Stanley riveter P1,300, isang Stanley vice grip P500, at isang tseke ng BPI pay to cash na nagka­kahalaga ng P14,250.

Nagsasagawa ng manhunt operation ang awtoridad laban sa naka­takas na suspek.

Isasailalim sa inquest proceedings ang mga nadakip na suspek sa Muntinlupa Prosecutor’s Office. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …