NATUWA si Pangulong Rodrigo Duterte na pinahalagahan ng mga mamamayan ang kanyang pagsusumikap bilang halal na opisyal ng bansa.
Batay sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na inilabas kamakalawa, 80 porsiyento ng adult Filipinos ay kontento sa performance ni Pangulong Duterte noong second quarter ng 2019.
“I do not go for this kind of things. Basta ako, trabaho lang,” ayon sa Pangulo sa ambush interview sa Palasyo kamakalawa ng gabi.
“As always, sinabi ko, if you are satisfied with my work, then I’m happy. If you are not satisfied, then I’ll work more. Dagdagan ko ‘yung pawis ko,” aniya.
Batay sa SWS survey na isinagawa noong nakalipas na 22-26 Hunyo, 12 Pinoy lamang ang ‘dissatisfied’ kay Duterte habang siyam na porsiyento ang ‘undecided.’
Naitala ang net satisfaction rating na +68, maituturing na personal record-high ng Pangulo, mas mataas sa naunang record na +66 noong Marso 2019 at Hunyo 2017. (ROSE NOVENARIO)