ITINUTURING ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang sarili bilang katapat ni international human rights lawyer Amal Clooney.
Ito ang pahayag ni Panelo, kasunod ng ulat na isa si Clooney sa magiging abogado ni Rappler CEO Maria Ressa sa mga kinakaharap na kasong cyber libel at tax evasion.
Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Panelo, tuwing nagdedebate sila ni Ressa ay naaawa siya rito kaya kinakailangan aniya ng Rappler CEO na makakuha ng isang magaling na abogado na ipantatapat sa kaniya.
Welcome kay Panelo ang hakbang ni Clooney pero nasa korte na ang mga kaso at makabubuting hintayin na lamang ang pag-usad nito.
Bukod dito, hindi aniya puwedeng kumatawan o mag-appear sa korte si Clooney dahil hindi naman siya miyembro ng Integrated Bar of the Philippines, maaari lamang maging consultant.
(ROSE NOVENARIO)