Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Speaker sa 18th Congress: Cayetano na

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano bilang Speaker ng 18th Congress.

Ito ang inihayag ka­ha­pon ni Pangulong Ro­drigo Duterte sa kanyang talumpati sa mass oath-taking ng mga bagong talagang opisyal ng kanyang administrasyon.

Ayon sa Pangulo, mag­kakaroon ng term sharing sina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Mauunang uupo si Cayetano sa loob ng 15 buwan at si Velasco ay sa huling 21 buwan.

Habang si Leyte Rep. Martin Romuladez ay magsisislbing Majority Floor Leader.

Walang binanggit ang pangulo hinggil sa manok ng kanyang mga anak sa pagka-speaker na si Davao City Rep. Isidro Ungab.

Nabuo ang desisyon ng Pangulo matapos ang closed-door meeting kina Cayetano, Velasco at Romualdez sa Palasyo kahapon.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …