HINIMOK ng bumalik na kongresista ang mga kasamahan sa Kamara na huwag papayag sa term-sharing na itinutulak ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano dahil panunupil ito sa karapatan ng mga kongresista na pumili ng kanilang gustong speaker.
Ayon kay Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor, dapat hayaan ang mga kongresista na bomoto nang naaayon sa kanyang konsiyensiya.
Ayon kay Defensor, dating kinatawan ng pangatlong distrito ng Lungsod Quezon, kahit si Pangulong Rodrigo Duterte ay ayaw sa ‘political deals’ noong kongresista pa siya.
“In 1998, President Rodrigo Duterte was one of only five who voted for Joker Arroyo. There was no concession nor promise of anything for his vote. In fact, Joker lost and those who voted including then congressman and now President Duterte stood proud among his peers,” ani Defensor.
“I will follow his example and vote according to my conscience and belief of who will be the best for the Filipino nation. No deal nor arrangement can influence my stand,” ani Defensor, na kasama ni Duterte sa 11th Congress.
ni Gerry Baldo