NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang dating kinatawan ng Magdalo Party-list sa Kamara kaugnay ng pagpapasabog ng China ng missile sa South China Sea.
Ayon kay dating Rep. Gary Alejano, ang mga kasapi sa umaangkin rito ay nararapat umalma sa ginawa ng China.
“This is indeed disturbing. China’s pretensions that it won’t militarize SCS (South China Sea) have long been exposed,” ani Alejano, isang masugid na kritiko ng mga patakaran ni Pangulong Duterte sa SCS.
“Stakeholders in the SCS including the PH should condemn such acts and continue to demand from China to be responsible rising power,” dagdag niya.
May report ang Pentagon na nag-testing ang China ng mga anti-ship ballistic missile sa SCS noong nitong katapusan ng Linggo.
Kaugnay nito, sinabi ng Communist Party of the Philippines, lalong pinalalakas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng impeachment case laban sa kanyang sarili noong akuin na nagkaroon siya ng verbal agreement kay Chinese President Xi sa pagpayag sa mga mangingisda ng China na makapangisda sa loob ng Exclusive Economic Zone bg bansa.
Ayon sa CPP, hindi para kay Duterte ang pagpayag sa mga Tsino na makapangisda sa EEZ ng bansa.
“A fish is always caught by the mouth, CPP explained, and the garrulous, foul-mouthed Duterte is practically writing the case against him by railing against the 1987 Constitution, reducing it to toilet paper that he can use in wiping his mouth and his anus, and claiming that he can fritter away the country’s EEZ without any culpability,” pahayag ng CPP.
Nauna nang sinabi ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na posibleng maharap sa impeachment ang pangulo dahil sa pagpapabaya sa EEZ at teritorya ng bansa.
(GERRY BALDO)